ABS-CBN Tuluyan Nang Binasura sa Kongreso

abs-cbn binasura

ABS-CBN hindi nakapasa sa House Committee on Legislative Franchises

Tuluyan na ngang Binasura ng House Committee on Legislative Franchises ang aplikasyon na makapag renew ng panibagong dalawanpu't limang taon (25 years) prangkisa ang ABS-CBN. Matatandaang inabot ito ng labindalawang araw (12 days) na napag usapan sa Kamara, isa isang binusisi ang mga isyu patungkol sa mga diumanong mga paglabag ng nasabing network.
Biyernes Hulyo 10, sa kasalukuyang taon inilabas ng Committee on Legislative Franchises ang desisyong hindi pagpabor sa prangkisa ng nasabing network o sa terminong 'lay on the table' o to kill the motion. Sa butong 70 na hindi pabor, 11 na pabor, 2 abstain at 1 ang nag inhibit. 

Paano nangyari? 
Ang kongreso ay binubuo ng 305 na mga elected Congressmen ang 85 na mga bumoto dito ay miyembro ng Committee on Legislative Franchises sa pangunguna ni Cong. Chicoy Alvarez at ng Committee on Good Governance and Public Accountability na pinamumunuan naman ni Cong. Sy-Alvarado ang komite ang bumusisi sa mga isyu ng ABS-CBN Network. Tanging ang miyembro lamang na kabilang dito ang maaring bumoto. Kung nagkataong nakalusot o pumasa sa komite ay muli na naman itong pagbobotohan sa plenaryo bilang kabuuan ng 305 na mga Kongresista tsaka pa lamang paguusapan ang renewal ng bagong prangkisa. 

May nagsasabi na pinagkaitan ang karamihan na mga kongresista na bumoto sa ginawang pagdidig, masalimuot man ang dinanas ng ABS-CBN patuloy paring lumalaban ang mga manggagawa, ang mahigit 11,000 na empleyado nito.

Ikaw ano ang reaksyon mo sa desisyong ito?  

Post a Comment

0 Comments