All About Factory Worker in Taiwan

The Process and All about Factory Worker in Taiwan 

You read it right, sa panahon ngayon marami parin ang nais mangibang bansa lalo’t mahirap ngayon ang buhay sa Pilipinas dahil sa pandemya. Marami ang mga nawalan ng kabuhayan, nagsara na negosyo kaya madami din ang nawalan ng trabaho. Ngunit sa kabila nito mayroon parin nagbibigay ng mga aportunidad sa ibang bansa tulad ng Taiwan na tumatangap parin ng mga Pilipino Factory Worker.

Kung nais mong magtrabaho bilang isang Factory Worker sa Taiwan narito at ibiibigay ko saiyo ang mga tips;

Unahing kumpletohin ang mga dokumento mahirap magpply kung kulang pa ang iyong mga dukomento upang maiwasan ang pending sakaling iproseso ng iyong visa. kung paano mo makukuha ang mga dokumento na ito ay deskarte mona yan. Pero bibigyan kita ng mga tips kung paano kukuhanin, ano ang gagawin, o magkano ang halaga ng mga iyon.


CV/Resume 

Sa pagawa ng resume ay mas okay kung ilalagay ang iyong karanasan sa manufacturing Industry dito sa Pilpipinas it's a plus para sa mga ageny. Kung wala, okay lang try your luck, at kung meron ka naman ibang working experince okay lang din iyon. Basta pagbutihin sa interview.


Passport (at least 1 year valid)

Hindi tulad ng dati, ang pagkuha ng passport ngayun ay mas pinadali dahil maaari kang mag-online appointment upang maitakda ang iyong schedule sa DFA branch na pupuntahan mo. Pumunta lang sa website ng DFA. Kung sakaling maka-engkwentro ka ng problema tulad ng walang message response sa email mo ang DFA maaari mo itong  ayusin. Paano? basahin ang  blog na ito | paano ayusin ang mga isyo sa pagkuha ng passport |

Ang regular na bayad sa pasaporte ay 950 (hindi pinapayagan ang walkin dahil sa pandemya) kaya asahan ang karagdagang bayad para sa courier, kahit papaano maihatid ito sa bahay nyo mismo na nagkakahalaga ng halos 1,200 din, asahan ang pagkaantala sa paghahatid na dahil sa pandemya ito ay maaring tumagal ng hangang isang buwan.

 

UMID ID

Isa sa mga mahirap na kuhanin ang UMID ID as of this writing kasi naka-hold ang biometric ng SSS. Kahit hindi naka hold ay umaabut parin ng morethan a month bago makuha ang UMID ID. So, kung may balak ka mag abroad please take time to get UMID ID. Kung isa ka naman sa mga naabotan ng hold sa realesing ng UMID dahil sa mga problema, mangyaring makipag-usap sa iyong agency, tanong mo kung pwede ba o nagaaccpet ba sila ng UMID Certificate. Kasi pwede kang makakuha nito punta ka lamang sa pinakamalapit na SSS branch, libre ang pagkuha ng UMID ID.


PSA Authenticated with receipt 

Paano kumuha ng PSA authenticated? Punta ka lamang sa munisipyo ninyo o city hall kuha ka ng form para sa PSA birth certificate permahan at ibalik sa registrar, pagkatapos ay asahan ang bayad na 155 or more depende sa service fee nila. Pwde rin sa SM, Robinsons o anumang accredited outlet sa inyong lugar.


NBI Clearance 

As like any other documents NBI is now online, pwede ka kumuha ng NBI thru online pumunta lamang ng clearancenbi.gov.ph at gumawa nang account. Pwede bang pumunta sa NBI branch ng walang online schedule? Well dependently pwede naman but not direkta sa NBI office, dadaan ka muna sa encoding for your personal information at doon ay magbabayad ka ng 240 depende sa fees nila. Hindi tulad ng pag nakapag pa iskedyul ka online magbabayad kalang ng 150 to 190 depende sa payment option mo, at deretoso kana papasaok at wala ng pila. Kung sakaling gusto mo malaman ang iba pang detalye sa pagkuha ng NBI clerance basahin ito | paano magaaply ng NBI cearace online |

 

Voter ID o Voter Certificate (updated)

Ito ang isa sa pinaka madali at pinaka matagal at the same time. Pang kukuha ka voter certificate siguraduhin mo na active voter’s ka ibig sabihin naka boto ka nong nakaraang national election o nong hili bago ang latest election (ex: 2016 - 2019) kung naka-boto ka ng alinman doon ibig sabihin aktibong botante kapa ngunit, kung nabigo kang bumoto ng dalawang beses asahan na deactivated kana. Ano ang gagawin kung na-deactivate ka? Pumunta sa inyong Comelec kung saan ka naka rehestro tapos ipareactivate mo. 

REMEMBER: na tumatagal ito ng 3 buwan upang maproseso kahit na ang mga pagbabago ng pangalan, status (from single to married) o, lugar, at anumang mga pagbabago ay maaaring tumagal ng 3 buwan upang maproseso. Ang bayad sa Voter's ID ay 70


POEA e-Registration 

Pumunta sa POEA i-click ang let's go at pagkatapos register then accept the privacy policy (notice: mangyaring basahin at unawain lahat ng mga pulang letra sa kaliwang bahagi bago punan) kung sakaling makaharap ka ng problema sa pagtanggap ng email mangyaring basahin ito | paano ayusin ang mga isyu sa e-Registration|


PEOS Certificate

Makukuha ang PEOS Certificate kung ikaw ay makaka pasa sa online na assesment/exam. Kailangan mo muna unahin makuha ang iyong e-registration number (makikita ito sa iyong e-regisration certificte) para makapag-login, pilling ang propesyunal o skilled kung ikaw ay magaaply bilang isang factory worker, at house hold naman kung caretaker. Pagkatapos mag login sundin lamang ang mga proseso. Magkakaroon ng online na pagsusulit at dapat mong ipasa iyon (Module 1 to 8) Pagkatapos ay makukuha mo na ang iyong certificate idownload at ipa print mo nalang.


Diploma/TOR/form 137/Certificate of Graduate 

Siguradohing dalhin ang Diploma o Certificate of Gradate kasama ang form 137 o TOR


TIN ID o TIN Number with authentication 

Paano mag request ng TIN ID pumunta sa BIR nearest you hingi ng form 1902 at mag fill-up, hintayin ang iyong queue, sabihin mong kukuha ka ng TIN ID siguraduhin na mag dala ng valid ID’s at 2X2 picture.


SSS Static Information
SSS Contribution
SSS Employment History

Ang SSS static information, kontribusyon, at history ay makukuha sa pinakamalapit na SSS branch sa iyo. Kung nais mong mapadali ang susunod na transaksyon sa SSS maaari kang kumuha ng online account sa kanila.  Sabihin mo lamang na nais mong magkaroon ng onlince access sa iyong sss, ibigay mo ang SSS o number ng UMID number at sila na ang magbibigay ng iyong password for your online sss account para mas mapadali ang iyong future transaksyon sa sss.


COE  Certificate of Employment (kung maaari, dapat lahat o ang pinakabago)

Student ID's (if available)

previous company ID's (if available)

Kailangan mo ibigay ang mga dokumento kung hihingin ng agency 


List of all the Documents needed 

Passport (Valid for 1 Year)
UMID ID
PSA autenticated with reciept 
Marrige Contract (Kung babae)
NBI Clearance 
Voter ID o Voter Certificate (updated)
TIN ID o TIN Number with authentication 
POEA e-Registration
PEOS Certificate
SS Static Information 
SSS Contribution
SSS Employment History 
Certificate of Employment COE (kung maaari, dapat lahat o ang pinakabago)
Students ID's (if avalable)
Previous work ID's (if available)


STEP BY STEP PROCESS ON HOW TO APPLY

Matapos makumpleto ang lahat oras na  para mag-apply. 

Paano malalaman kung ang isang agency ay legit? 

Pumunta sa poea.gov.ph at doon makikita mo ang listahan ng mga ahensya na legit. Kung gusto mong malaman kung ang ahensya ba na na-applyan mo ay legit I type mo lang sa search box ang pangalan ng ahensya.

Matapos makita kung legit ang iyong ahensya, ikaw ay mamimili kung mag walk-in ka o online ang ilang ahensya ay tumatanggap sa online ang iba hindi. Ngunit karamihan sa kanila ay may Facebook page kaya iminumungkahi kong tingnan ito, upang malaman ng higit pa angtungkol sa proseso ng aplikasyon at mga schedule.


What to expect in Initial screening?

Interview 

Ang initial interview ay napakasimple kung mayroon kanang karanasan sa trabaho mani nalang yan para sayo. Tips (make eye to eye contact, be yourself, and have confedent)


Ang iyong height 

Hindi bababa sa 5'2 para sa babae at 5'6 para sa lalaki (ang ilang ahensya ay mas mahigpit sa height requirements)


Ang iyong weight 

Hindi bababa sa 50 kilo at hind tataas at 80 kilo (it depends on the agency)

  

Kaliwa ka ba? (Left handed)

(ang ilang ahensya ay hindi tumatanggap ng left handed)


Problema sa mata (color blind)

20 20 visual acutiy ang tinatangap ngunit kung sa palagay mo ang iyong  visual acuity ay 20 40. Maaari ka parin naman tanggapin ngunit hindi dapat nalalaman ng agency dahil mahigpit sila sa protokol. Kaya, ano ang gagawin? Subukan na sanayin ang iyong mata kung sa palagay mo ay kaya mong kabisaduhin ang chart sa eye test then maybe you can pass but, it has a big risk dahil baka bumagsak ka sa medikal. Karaniwan, malalaman mo agad kung kwalipikado ka kasi meron namang visual test sa initial screening.


Exam solve the math problem subtraction, multiplication, division 5 to 6 digits 

English grammar (basic English)


Physical test 

Mayroong ilang mga aktibidad na kailangan mong gawin tulad ng jumping jump, close open, pagpapasok ng sinulid sa karayom ​​hanggang sa 6x sa loob ng isang minuto, at iba pang pisikal test.


Pawisin ba ang mga palad mo?

Ang ilang agency ay hindi tumanggap ng aplikante na may pawisin na kamay, lalo na sa mga electronics company.


 Tattoo

Bawal ang tattoo kung ito ay malaki o nakikita kahit na may shirt (it depends on the agency madalas bawal talaga ang may tattoo)


Expect to leave your documents in the agency's care. After you passed the screening and final interview your paper will be processed for line up. Taiwanese Company will choose kung sino-sino ang gusto nila based on your performance during screening, initial, and final interview. Samahan mo narin nang dasal. Agency will notify you via text message kapag nakapasa ka sa mga Taiwanese employer.

Next Process is for Medical. Sa part na ito confusing lalo na kung baguhan ka sa pagaabroad. Always remember to get the referral form, and pay it on the clinic cashier. kapag pinag bayad ka sa agency palang ng medical at wala silang binigay na referral ibig sabihin noon may usapan (agreement) between the agency and the clinic or some insider in the clinic. Sasabihin mo nalang sa clinic na pinapunta ka ni “ganitong agency” for medical. Bangitin mo ang pangalan ng insider sa clinic na sinabi ni agency to start the process. Don’t ever try to pay again kasi nakapg bayad kana sa agency.

   

Todo in Medical Test:


Laboratory

(kapag hindi sinabi ni agency na magdala ng stool at ihi doon muna gagawin yun)


Physical Test 

Expect to be naked in Infront of the doctor, no underwear, no nothing, but your naked flesh. So, groom yourself, and don’t be afraid it's just normal, and follow the doctor’s instructions.


Visual acuity test or eye test

(if you have an eye problem you don’t need to pay for eyeglasses magbabayad kalang hindi din naman nababago ang fact na may problema ka sa mata just be it.) malay mo ipasa ka ng releasing even you have an eye problem.


Dental 

If you think marami kang tartar, or may problema sa ipin mo like butas, at kaylangan ng pasta, then pagawa kana ngayun. 


Psychological Test 

Sa test na ito, aabutin ng isang oras upang matapos dahil may exam na napaka haba upang subukan ang iyong intelegence and personality pagkatapos ay kunting interview by the physologist. 


After Medical What to Expect?

Mag tetext sayo ang agency ng pakag may problema sa iyong medikal. Kapag walang problema good to go to.,


Signing up contract,

Oo, mauuna ang kontrata singing kasi kaylangan ang kontrata kapag kukuha kana ng visa. Agency ang nagaasikaso ng visa application sa, TECO. Ano ang kaylangan tandan sa pagperma ng kontrata. Siguraduhing basahin ang kasunduan at ang sahud or basic salary, 23 NT hanggang 24 NT, yung overtime pay, holiday pay, your accountability, and your range of contact (gano ba katagal ang kontrata)


Placement fee

Maaaring nagkakahalaga ng 60k hanggang 80K. kinukuha nila ang 50% ng iyong bayad before contract singing, iyon ay para sa iyong pagproseso ng visa at iba pang pagbabayadad. Pag nag down kana hindi mona kaylangan magbayad ulit for visa processing kasi kasama na yun sa down mo. (ang bayad ng VISA ay 5,250 Php)


TECO

Ang Taiwan Economic Cultural Office (embahada ng Taiwan sa Pilipinas) ipapatawag ka ulit ng ahensya kapag may problema sa iyong aplikasyon para sa visa para sa interview ng TECO. Ngunit kapag wala ipapatawag kalang nila para sa biometric at capturing para sa iyong migrant visa.

Kung handa na ang visa, next step is schedule of swabtest and scheule of flight. Papaalam nalang sayo ni agency yun. Pagkatapos, asahan na magbayad ng isa pang kabuuan ng iyong placemnt fee, kapalit ng flight ticket. Some agency is tumatanggap lending (pautang) 50% to 100% ng iyong placement fee nasa sayo kung iaccept mo yung alok ikaw naman magbabayad noon, and of course may interest yun.

Next is the swab test isang araw bago ang iyong flight sa Taiwan, pagkatapos ay may quarantine ka sa loob ng 14 days bago ka i-deploy.


Congratulations to make it this par!!


Asahan na gagastus ka ng humigit kumulang sa Php. 120,000

Huwag kalimutang mag save for your future! 

Post a Comment

0 Comments